‘Flawless lechon’, kinaaliwan ng sa social media

Nalalapit na naman ang Pasko at Bagong Taon; kabi-kabila na naman ang handaan at kainan. At siyempre, kung may selebrasyon, puwede ba naman mawala ang paborito nating lechon?


Pero paano kung “flawless” na lechon ang ihain sa harapan mo? Magagawa mo bang kainin ito? Magagawa mo bang bawasan ang lechon na ubod ng kinis ang balat at wala man lang parte na natusta?

Loading...

Sa Facebook page ng KAP’S BEST Native Lechon, kinaaaliwan ngayon ng maraming social media users ang litrato ng litson na itinitinda nito dahil sa sobrang kinis ng balat nito. Binansagan itong “flawless lechon” at sa katunayan, may mga pabiro ring nagtatanong kung ano ba ang skin care routine nito at mas maganda pa raw ang makintab at makinis nitong balat sa sariling kutis nila.

Ito ang mga komento ng mga Netizens:
“Ay, taray, ano kaya skin care routine ng lechon na ito? Sana all glass skin,” ani Hannah Mendiola.

“Wow, lechon na poreless. Ano po skin care routine n’ya?” tanong ni Cheryl Joy Socuano-Mendoza.

“Buti pa ‘yong lechon hindi haggard. Kahit oily, clear skin pa,” wika ni Karen Decon Coñado.

Ano ang masasabi mo sa makinis na litsong ito?

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento