Manila Most Wanted, nahuli na!


Hinarap ni Manila City Mayor Francisco "Isko Moreno" Domagoso nitong Huwebes, ika-5 ng Disyembre, ang mga suspek na ang ilan ay kabilang rin sa “Most Wanted” list na naaresto ng Pulis Maynila.

Ang mga natimbog sa kasong robbery ay sina Jaire Scott, Top 1 Most Wanted at Gabriel Ong, Top 9 Most Wanted.

Isa rin sa nahuli ay si Jomar Alingod sa kasong robbery snatching, na matandaan ay nagviral sa “Grand Taft Auto” video nitong nakaraang buwan.

Kabilang rin sa mga naaresto sa kasong rape ay sina Renmar Casauran, Top 2 Most Wanted, Arman Fulgencio, Top 6 Most Wanted Person ng Moriones,Tondo at Alfredo Dequino.

Loading...

Huli rin sina Angelito Hernandez sa kasong ‘selling and transporting of dangerous drugs’ at kasabwat niyang si Khristine Maye Marcelo sa kasong ‘interfering’ sa halos PHP 470,588.00 halaga ng marijuana na nasabat sa isang buy-bust operation.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento