TOP REASONS KUNG BAKIT DI TOTOO YUNG KIDNAPPING STORIES

Alamin ang mga dahilan kung bakit FAKE NEWS lang ang mga kumakalat na report ng kidnapping sa social media.



1. CCTVs EVERYWHERE

Kaliwa't kanan may CCTV na. Kalsada. Eskinita. Tapat ng tindahan bahay o kahit highway. Bakit kakaunti pa lang o kundi man walang lumalabas na vid regarding kidnapping? Merong isa. 2014 video pa. Kung isa kang kidnapper hindi mo gugustuhing mahuli. Mag-iingat ka di ba?

2. ALLEGED KIDNAPPINGS HAPPEN IN BROAD DAYLIGHT AND IN PUBLIC

Tulad ng number 1. Hindi mo gugustuhing may makakita sakaling mangkikidnap ka kasi ayaw mong mahuli. So why do it in front of many people? Based sa posts ginagawa sa harap ng marami yung panghahablot sa mga bata o kahit nasa edad. Mag-iiskandalo. Magkakaroon ng eye witness. Ikaw lang yung kriminal na pasikat kung gusto mo maraming makakakita.

3. POLICE AND MEDIA ARE NOT GIVING A D*MN ABOUT IT

Kung may ganitong kaso, istorya ito para sa media na kahit utot ni Kris Aquino ibabalita. So bakit wala? Ang may news lang ay sa Pasay City na nawala noong november 24 at 25. Walang tungkol sa Caloocan, QC, Manila o iba pa. Ang natatanging legit na government related post na nakita ko ay hindi mula sa isang local police station page kundi galing sa isang SK na nananawagan sa LGU nila na bigyan ng aksyon o update ang publiko tungkol sa kidnapping stories sa soc med.

4. EXAGERATED EYE WITNESS POSTS

May mga posts na patungkol sa karanasan ng mga kapatid, klasmeyt o katrabaho nila na di pinangalanan. May iba pa na sa kanila mismo nangyari. Pero may kulang. Wala yung bahaging lumapit sila sa pulis para magreport. Sa social media sila nagsumbong!!! Ang pinaka-exaggerated post na nakita ko e yung tinangka raw kidnappin ang isang fb user ng isang lalaking nakamotor (single na motor). Imaginin natin kung pano siya magpupumiglas sa motor if ever.

Scenario: Kidnapan gamit motor.
Kidnapper: Humawak kang mabuti kung ayaw mong mamatay.
Biktima: (habang nakaangkas at nakahawak nang mabuti sa baewang ng kidnapper) Pakawalan niyo ko! Mga hayup kayo!
Kidnapper: Buwahahahaha.

Loading...

5. TRAFFIC

Kung sa gabi naman, hapon o rush hour (6 to 11pm) tulad ng mga post, hindi healthy lalo kung sakay ka ng puting van. Ma-traffic. Hassle mangkidnap. Yung tipong excited ka nang kunin yung organ pero hindi pa pwede dahil wala ka pa sa basement, lab o kung saan mo babalatan yung taong nahuli mo. Lol

6. KIDNAPPERS SHOULD BE ASKING FOR RANSOM!

Usually kapag mangki-kidnap ka dapat may ransom. Para may kitain pero since ang habol daw ay organ na pwedeng ibenta ng sindikato, punta sa number 7.

7. WALANG MEDIA COVERAGE ABOUT SA MGA NATAGPUANG BANGKAY ALONG METRO.

Kung organ lang ang kailangan mo anong gagawin mo sa ibang parts? Tama, itatapon. Saan? Kung nag-ooperate ang sindikato along metro may matatagpuang bangkay most probably. So far, wala. Tulad ng nasa Reason number 3, ang matatahpuang bangkay sang-ayon sa News report sa labas man o loob ng Metro ay #NewsWorthy. Pero wala.

8. BADJAOS AND OTHER HOMELESS WOULD LIKELY BE THEIR FIRST VICTIMS

Kung organ lang ang habol, yung mga pagala-gala ang unang pwedeng targetin. Una, mas madali silang makuha dahil unsecured. Pangalawa, probably mas iingay kung pribadong tao na may maghahanap sakalaing hindi na umuwi ng bahay ang kukunin nila. Hindi safe para sa kriminal. Lol

Kung may idadagdag kayo, kunwari forum mala-reddit comment sa baba. Para makapagbawas ng kaba sa mga teenagers dyan. Ayos lang magbigay ng alerto sa iba para makapag-ingat. Pero yung magbigay ng takot mula sa di totoo o di pa verified na impormasyon ay mali.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento