Project Malasakit ni Kara David, gagawing scholar ang mga naiwang anak ni Cesar Apolinario


Nitong nagdaang lingo, nagulat ang buong Pilipinas nang mapabalitang yumao na ang journalist at kilalang reporter na si Cesar Apolinario dahil sa isang malubhang karamdaman.

Sa edad na 46, naiwan ni Cesar ang kaniyang asawang si Joy, at tatlo nilang anak na sina Remus Cesar, Athena Joyce, at Sophia Ysabelle.

Loading...

Dahil si Cesar ang nagmistulang tagapagtaguyod o breadwinner ng kaniyang pamilya, nais ng kapuwa niya journalist at senior reporter sa GMA na si Kara David na ipagpatuloy ang naiwang mga pangarap ni Cesar para sa kaniyang pamilya.

Sa kaniyang Facebook account, inihayag ni Kara na ang naiwang tatlong anak ni Cesar ay gagawing scholars ng Project Malasakit, ang proyektong pinangungunahan ng GMA senior reporter.

“Si Cesar ang breadwinner ng kanyang pamilya. Lumaki sya sa hirap, naging OFW, nagsikap hanggang maging reporter. Inilaan niya ang kanyang buong buhay sa pagtataguyod sa kanyang mga anak at pagtulong sa kanyang kapuwa,” ani Kara sa kaniyang FB post.

Kaya naman sa pagkawala umano ni Cesar ay hindi matatapos ang mga pangarap para sa talong anak na mga honor students. Ipagpapatuloy umano ng Project Malasakit ang mga pangarap ng yumaong reporter para sa kaniyang mga anak.

“Project Malasakit is taking in Cesar’s kids as scholars. Remuscesar Apolinario is an incoming senior high school student in STI Marikina. Athena Joyce Apolinario is in Grade 9 at Eastern Star Academy. Sofia Mendoza Apolinario is graduating from Grade 6,” dagdag pa ni Kara sa kaniyang post.

“Kung gusto mong humaba ang buhay ng isang bagay… ibigay mo ito sa iba. Ang taong marunong magbigay ay hindi namam*tay. Patuloy siyang nabubuhay sa mga taong kanyang tinulungan,” paghahayag pa ni Kara sa kaniyang post.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento