Yorme Isko nakipagpulong sa mga vendors ng Arranque Market

Nakipagpulong si Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Sabado, ika-7 ng Disyembre kasama ang mga vendors sa Arranque Market para dinggin ang kanilang mga panawagan.

Nilinaw ni Domagoso, “alam ko ang sitwasyon ng mahihirap, kaya hindi ako makapapayag na maagrabyado sila, pero hindi rin ako makapapayag na ang tanging idadahilan natin kung makakapang-apak tayo ng paa ng may paa ay ‘Tayo ay mahirap.’ Mali rin iyon.”

Hiling naman ng isa sa mga vendor, “tulungan niyo po sana kami. Magpapasko na, hindi kami makapag-tinda, maghapon po kami sa daanan. Nagbabayad naman po kami ng municipal tax ngunit hindi po namin alam na kailangan pa kaming prangkisa.”

Pangako ng ating alkalde, “maghahanap tayo ng solusyon ngayong araw na ito.”

Loading...

Ipinaliwanag naman ni Majority Floor Leader Joel Chua ang tamang proseso na dapat pagdaanan upang maituring na legal ang pagtitinda sa palengke.

“Ito ay nasa batas natin. Dapat ligtas ang taumbayan at mga mamimili, dahil sa oras na magkaaberya, ang alkalde po ay magkakaroon ng pananagutan sa batas,” pahayag niya.

Nakiusap din si Domagoso na makipagtulungan at makiisa na sila sa adhikain ng lungsod na maging mas maayos at ituwid ang mga maling nakasanayan.

“Ang layunin ng pamahalaang lungsod ngayon ay maipakita at maramdaman ng taumbayan na may gobyerno na sa Maynila.” ani Domagoso.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento