BATANG GAPO NAHOLDAP SA TAGUIG CITY, PATAY

Si James Daniel "Jimbo" Eclarinal kasama ang kaniyang girlfriend na si  Jhorel Salcedo ay magkasamang pauwi buhat sa trabaho at habang sila ay naghihintay ng masasakyan sa may Sampaloc St. Barangay North Signal, Taguig City ay may dalawang lalaki na lumapit sa kanila at nagdeklara ng holdap sabay hablot sa bag ni Salcedo.

Nang hindi agad binitiwan ni Salcedo ang kaniyang  bag sa kabiglaanan ay pinalo siya ng baril sa noo at ng napasigaw si James ay bigla siyang binaril at siya ay tinamaan sa tagiliran  na kung saan siya ay idineklarang dead on arrival sa Taguig Pateros District Hospital.

Loading...
Ang mga magulang ni Jimbo na sila James at Dina Eclarinal ay agad humingi ng tulong kay Au Elbambo, publisher ng Pahayagang pang Masa at agaran silang lumuwas ng Taguig City upang maiuwi ang labi ni Jimboy na ngayon ay nasa Flores Funeral Homes, Mabayuhan,  Olongapo City.

Samantala, ayon sa nakalap na impormasyon ng PPM,  ang nasabing lugar ng pinangyarihan ay sadyang maraming holdapan na nagaganap.

Source: Facebook

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento