De La Salle Lipa nagtayo ng evacuation na tinawag nilang Welcome Center

Simula noong Sabado, Enero 18, binuksan na ang De La Salle Lipa gymnasium para sa mga apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Sa ngayon mayroon nang 55 pamilya o 280 indibidwal na pawang mga taga-Taal at Laurel, Batangas ang kinakalinga sa shelter.


Loading...

Kumpleto ang mga pasilidad gaya ng palikuran, libreng WiFi at mayroon ding libreng tawag.

Bawat pamilya may kaniya-kaniyang tent at sa halip na pake-paketeng relief goods ang ipinamimigay, nagtayo ng comissary ang paaralan para sa mas maayos na pamimigay ng pagkain at pangunahing pangangailangan.

Maki-balita sa Netizens Alert sa FacebookTwitterInstagram at YouTube!

Mag-post ng Komento

0 Mga Komento